POLICE-COMMUNITY OUTREACH PROGRAM IKINAGALAK NG KATUTUBONG MANIDE

KISLAP  ng mata at matatamis na ngiti ang naging kapalit ng “Police-Community Outreach Program” ng mga kawani ng Jose Panganiban Municipal Police Station, Camarines Norte PPO sa mga katutubong Manide nitong ika-5 ng Disyembre 2021 sa Barangay Osmena, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa report na ibinahagi ni PNP-Police Regional Office 5 Director PBGeneral Jonnel C Estomo , naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga

At Terorismo (KKDAT) sa nasabing lugar.

Bukod sa feeding program ay nagkaroon rin ng palaro para sa mga bata at bakas sa mukha at mga halakhak nito ang lubos na kasiyahan.

Simbolo ito na sa gitna ng pagsubok palaging may pag-asa at linawag na nakaabang sa ating buhay. ng PNP Bicol sa pamumuno ni PBGEN Jonnel C Estomo ONNEL C ESTOMO, Regional Director, bilang mga tunay na “kasurog” ng lahing Bicolano ay patuloy na maghahatid ng serbisyo at programa sa komunidad saan man at kahit kaylan. VERLIN RUIZ