NANGANGALAP ang pamunuan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-Avsegroup) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng pagkakilanlan ng mga pulis na nag-escort sa dayuhan na nagpasok ng malaking halaga ng dolyares sa bansa.
Ayon kay PNP Aviation Security Group, Director PBGen Crizaldo Nieves, hihilingin niya ang CCTV footage sa tanggapan ni Manila International Aiport Authority (MIAA) Manager Ed Monreal upang ma-pinpoint ang sangkot na pulis dahil marami sa mga ito ang nakatalaga sa airport terminals.
Limitado ang access ng Avsegroup sa loob ng paliparan kaya kinakailangan ng tulong ng mga taga-MIAA.
Matatandaan na hindi nahuli ang mga dayuhang may dalang dolyares dahil may escort umanong mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Customs at airport police department ng MIAA. FROI MORALLOS
Comments are closed.