CEBU – KASAMA sa mga iimbestigahan ng Special Investigation Task Group (SITG) – Navarro ang mga police escort nang napatay na si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro at maging ang mga tauhan ng Cebu City PNP na kasama sa convoy nang tamangan ang alkalde noong Oktubre 24.
Ayon kay Cebu City Police Office (CCPO) Director Police Colonel Gemma Vinluan, dawit sa pagsisiyasat ang mga police escort na inaakusahang walang ginawang reaksyon sa kasagsagan ng pananambang at hindi nakapagpaputok.
Sinasabing hinarang ng apat na lalaking lulan ng isang van ang mobile patrol car na sinasakyan ni Navarro at kinaladkad ito palabas saka pinagbabaril .
Nabatid pa na agad na nagtatag ng Special Investigation Task Group (SITG)-Navarro ang Cebu PNP na siyang tututok sa kaso ng paglikida kay Navarro sa M. Velez Street Brgy. Guadalupe sa Cebu habang patungo sa prosecutor’s office para sa inquest proceeding.
Ayon kay Vinluan, siya mismong mangunguna sa naturang taskforce na binubuo kasunod ng pahayag na kuhanan ng affidavit ang lahat na nandoon sa area nang mangyari ang krimen. VERLIN RUIZ
Comments are closed.