POLICE FORCE INALERTO VS KALAMIDAD

Cascolan

INALERTO ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para tumulong sa mga residenteng  sinalanta ng Bagyong Quinta.

Sa press briefing kahapon ni PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan,  may mga hakbang nang sinusundan mga pulis para tulungan ang mga apektado ng bagyo at pawang may kaalaman para sa pagliligtas sa kalamidad.

“Well our force are well trained not only in markmaship but also in disaster response,  search and rescue operations du­ring calamity, naka-package na ‘yan,  hindi pagbaril o police operations ang aming training,  ayon kay Cascolan.

Pinaalalahanan din ni Cascolan ang mga tauhan nito na pag-ibayuhin ang pag-iingat upang hindi madisgrasya sa pagliligtas ng ibang buhay.

Sa ngayon, naka mobilized na lahat ng PNP personnel at maging ang kanilang mga kagamitan.

Sinabi ni Cascolan nasa mahigit isang libo na mga PNP Search and Rescue Team ang nakadeploy sa mga rehiyon na hinagupit ng Bagyong Quinta. EUNICE C.

Comments are closed.