POLICE INFORMER ITINUMBA

LAGUNA – INAMBUS at napatay ng riding in tandem criminals ang isang Police Informer habang lulan ito sa kanyang minamanehong motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Bunggo, Calamba City, Miyerkules ng madaling araw.

Base sa ulat ni Calamba City Chief of Police PLt. Col. Arnel Pagulayan, nakilala ang biktimang si Albert James Santillan, residente ng nasabing lugar.

Bandang alas-12:05 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang patungo sa Brgy. Bunggo ang biktima mula sa Brgy. Suplang, Tanauan City nang biglang sumulpot sa lugar ang hindi pa nakikilalang mga suspek bago ito pinaulanan ng bala at hindi na nagawa pang makapanlaban.

Binawian agad ng buhay ang biktima bunsod ng ilang tama ng bala na tinamo nito sa kanyang katawan at hindi na nagawa pang maisugod ng pagamutan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pananambang patungo ng hindi pa mabatid na lugar na pawang target ang mga ito ng awtoridad.

Sinabi ni Pagulayan na kasalukuyang Police Informer ang biktima sa lungsod ng Tanauan kung saan hinihinalang may kaugnayan umano sa droga ang isa sa motibo nilang tinitingnan habang patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon sa kaso. DICK GARAY

4 thoughts on “POLICE INFORMER ITINUMBA”

Comments are closed.