POLICE LIEUTENANT IKA-62 NA NASAWI SA COVID-19

ISANG mataas na police official sa Region 3 ang nasawi makaraang pahirapan ng coronavirus disease, ayon sa Philippine National Police -Health Service.

Ang 48-anyos na Police Lieutenant na nakatalaga sa isang bayan sa Tarlac ang ika-62 na nasawi sa COVID-19 sa hanay ng police force.

Nabatid din ng Pilipino MIRROR na deputy chief ng isang municipality station si Patient No. 62 sa isa sa lugar sa Tarlac.

Sa tala ng PNP Health Service, umabot sa 105 pulis ang bagong nagpositibo sa virus nitong May 18 dahilan upang umakyat sa 22,207 ang kabuuang bilang ng kaso, 1,383 sa mga ito ang aktibo. Umabot naman sa 20,582 ang gumaling na kasunod ng bagong recoveries na 128.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa kaanak ni Patient 62.
Muli ay nagbilin si Eleazar sa lahat ng kaniyang mga tauhan ng ibayong pag-iingat upang hindi mahawa sa COVID-19. EUNICE CELARIO

33 thoughts on “POLICE LIEUTENANT IKA-62 NA NASAWI SA COVID-19”

  1. 698785 783072This design is steller! You most certainly know how to maintain a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Wonderful job. I actually loved what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 583568

Comments are closed.