ZAMBOANGA DEL NORTE – INAALAM pa ng Zamboanga del Norte Provincial police Office ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na lumikida sa isang aktibong pulis na binaril sa Sitio Quarry, Brgy. Mamawan, Baliguian.
Kinilala ang biktima na si Police Master Sgt. Chito Lagahit Jr. na nakabase sa Baliguian Municipal Police Station.
Ayon kay Police Maj. Helen Galvez, Public Information Officer ng Police Regional Office Region 9 (PRO 9), si Lagahit ay binaril ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan.
Lumalabas sa paunang pagsisiyasat na sakay ng isang bus ang biktima galing Dipolog patungong Baliguian, ngunit pagdating umano nito sa nasabing lugar ay doon na ito binaril ng tatlong armadong mga suspek.
Hinhinalang sinundan ang biktima at pinagplanuhan ang pagpatay sa biktima.
Sinasabing nakasakay rin sa bus ang tatlong suspek at umupo sa likurang bahagi ng sasakyan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.