TAGUIG CITY – SINIPA sa puwesto ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang opisyal ng Manila Police District (MPD) matapos manakit sa tatlong bagitong pulis sa kalagitnaan ng Traslacion sa Maynila.
Kaagad na sinibak ni Eleazar si Gandara Police Community Precinct (PCP) Commander Chief Insp. Alden Panganiban ng MPD Station 11.
Si Panganiban ay inireklamo ng tatlong tauhan ng NCRPO dahil sa umano’y pananakit nito sa pamamagitan ng pagpalo ng batuta sa kanilang katawan habang ang mga ito ay tumutupad ng kanilang tungkulin
Isinasagawa na rin ang imbestigasyon sa pananakit ni Panganiban.
Samantala, sinabi pa ni Eleazar na sakali aniyang mapatunayang lumabag o nagmatigas ang mga bagitong pulis kaya sila sinaktan ay masususpinde rin sila at mahaharap sa disobedience at insubordination.
Nabatid na nagalit umano ang opisyal matapos hindi masunod ang ilang utos nito.MARIVIC FERNANDEZ