BENGUET – NAGPAHIWATIG ng paghanga at pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Oscar Albayalde ang matagumpay na operasyon at kampanya ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) laban sa loose firearms.
Sa kanyang mensahe para sa mga pulis na naka-assign doon, kaniyang kinilala ang opisyal na pagpapanatili sa peace and security sa Cordillera mula nang mag-umpisa ang election period noong Enero 13.
Batay sa datos ng PROCOR, aabot sa 167 na ilegal na baril ang nakumpiska sa iba’t ibang operasyon sa rehiyon.
Kasabay ng pagbisita ni Albayalde sa rehiyon ay tiniyak nito ang paggawa ng pulisya sa kanilang mandato para sa peace and security sa darating na halalan. EUNICE C.
Comments are closed.