CEBU – PATAY ang isang suspek na lulan ng police patrol car nang mahagip ng bala makaraang pagbabarilin ito sa Barangay Bulasa, Argao.
Sinabi ni Chief Insp. Jose Rovic Villarin, sakay ng patrol car ang dalawang pulis at ang naarestong high value target na si Teocilo Ababon.
Papunta sana umano sa korte ang police mobile upang sampahan ng kaso ang kanilang nahuli.
Sugatan si Ababon at agad na isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police na tao umano si Ababo ng self confessed drug lord ng Cebu na si Franz Sabalones.
Disyembre 29 noong nakaraang taon nang madakip si Ababon kung saan nakuha sa posisyon nito ang mahigit P10 milyong halaga ng shabu. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.