LANAO DEL NORTE – DEAD on arrival sa hospital ang isang kagawad ng Philippine National Police (PNP) na nagsasagawa ng routing inspection sa ilang voting precinct nang tambangan ng riding in tandem sa Brgy. Panoloon, Sapad.
Blangko pa ang mga opisyal ng Lanao Del Norte-PNP sa motibo ng mga hindi nakikilalang salarin na nasa likod ng pama-maslang sa isa nilang police na nasa official duty.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Pol. Cpl. Richard Garcia Gordiones, 30-anyos.
Ayon kay Pol. Lt. Mohammad H. Bantuas, hepe ng Sapad Police Station binaril ang biktima ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Ito ay habang patungo si Gordiones sa Kapatagan, Lanao del Norte upang siyasatin ang paghahanda ng seguridad sa mga presintong pagdarausan ng botohan.
Narekober sa crime scene ang dalawang empty shell ng .45 caliber pistol habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga aaworidad. VERLIN RUIZ
Comments are closed.