IPAGPAPATULOY ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mga surprise inspection sa mga presinto ng pulis tulad ng ginawa niya noong pinamumunuan nito ang National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito ang sinabi ni Eleazar sa kanyang unang press conference bilang PNP Chief kahapon ng umaga sa Camp Crame.
Ayon kay Eleazar, ito ay para masiguro na maayos na naipatutupad ang kanyang “Intensified Cleanliness Campaign”, partikular sa mga Police community precinct (PCP) na unang nakikita ng mga mamayan.
Anita,tuloy din ang 2-strike policy kung saan tatanggalin sa puwesto ang PCP commander kung 2 beses bumagsak sa inspeksyon ang kanyang istasyon.
Sibak din sa puwesto ang mga Chief of Police kung dalawang PCP commanders nila ang matanggal dahil dito.
Ayon kay Eleazar, ang PNP-Internal Affairs Service ay araw araw nang nag-iinspeksyon at maging siya mismo ay magsasagawa ng surprise inspeksyon. EUNICE CELARIO
93491 478623Some genuinely prime posts on this internet site , bookmarked . 469855
289565 640992You got a extremely very good website, Gladiola I discovered it by means of yahoo. 917954