PINAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) na gawing vaccination center ang ilang police stations.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, batay sa kautusan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, dapat umagapay ang pulisya sa pangangailangan ng national government lalo na sa mga proyekto.
At isa sa mahalagang proyekto ng pamahalaan ay ang massive immunization project para matuldukan na ang COVID-19 pandemic.
Dahil sa pangangailangan ng vaccination center ay maaari nang ipagamit ang mga police station.
Gayunman, nilinaw ni Eleazar na bago gawing vaccination center ang police station ay may mga guidelines na dapat sundin mula sa IATF at Department of Health.EUNICE CELARIO
Comments are closed.