NEGROS OCCIDENTAL – NAIS makatiyak ng pulis na malinaw sa pamilya ng isang police trainee ang sanhi ng kamatayan nito at hinihintay pa rin ang karagdagang medical records sa Bacolod City.
Ang 22-anyos na si Frens Gallen Prades ng Antique ay namatay noong Miyerkoles dahil sa pinaniniwalaang sobrang mainit na panahon.
Sa panayam kay Bacolod Police Supt. Jimmy Laguyo, director ng Regional Training Center, nag-collapse si Prades nitong Martes ng gabi habang nagwa-warm up bago ang kanilang hapunan.
Dinala ito sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ngunit binawian ng buhay kamakalawa ng tanghali.
Ayon kay Laguyo, hinihintay pa ang ibang medical records upang matukoy kung ano pa ang ibang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Bago pa umano ang kanilang warm-up ay nagreklamo na si Prades na masama ang kanyang pakiramdam. AIMEE ANOC
Comments are closed.