(Police visibility palalakasin) 85% NG PNP PERSONNEL IKAKALAT SA METRO

AABOT sa 85% ng 230,000 pulis ang inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco na lumabas at tumulong sa patrol operations nationwide upang mapalakas ang police visibility at pabilisin ang pagresponde sa tawag ng tungkulin.

Hangad ng PNP Chief na damihan ang bilang ng mga pulis na nagsasagawa ng police patrol, makisalamuha sa komunidad, sa residential areas, lugar na may matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Pinadagdagan din ni Marbil ang police motorcycle units na naglilibot sa mga mataong lugar upang masiguro na mabilis na tutugon sa mga aksidente at emergencies.

Pinaigting din ni Marbil ang Oplan Galugad na tututok sa searches and inspections sa mga itinakdang lugar, ang Oplan Sita sa mga itinalagang police checkpoints at routine stops upang bantayan ang aktibidad ng drug syndicates at pagpupuslit ng mga illegal na kontrabando sa bansa.

Ang direktiba ni Marbil ay suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. dahil nais nito ang kaligtasan at seguridad ng komunidad sa bansa.

Hinikayat ni Marbil ang mga awtoridad na ipakita sa publiko at ipatupad ang mataas na antas ng propesyunalismo sa isasagawa na nationwide intensified operations.
EUNICE CELARIO