IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng unit commanders sa National Capital Region (NCR) na mas paigtingin pa ang police visibility sa mga matataong lugar ngayong nakababa na sa Level 3 ang COVID-19 alert sa Metro Manila.
Ito ay matapos na manawagan ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagpapatupad ng minimum public health safety protocol makaraang magdagsaan ang mga tao sa simbahan, mall, pasyalan at iba pang mga lugar nitong weekend.
“Based on the order of our SILG (Secretary of the Interior and Local Government) Eduardo Año, I have already directed our unit commanders in the National Capital Region to increase police presence in all possible areas of destination of our kababayan following the downgrading of alert level in Metro Manila,”ani Eleazar.
“Nauunawaan namin ang pagkabahala ng ating mga kasamahan sa Department of Health at sa medical community patungkol sa mga report na ipinakita kung saan nagdagsaan ang mga tao sa mga pasyalan, malls at iba pang mga lugar noong nakaraang weekend,”dagdag pa nito.
Nauna rito, nagpahayag ng pagkabahala ang mga opisyal ng DOH at ilang health experts dahil sa pagiging kampante ng publiko sa kanilang paglabas ng tahanan para kunin ang pagkakataon dahil sa pagluluwag.
May ilang pasyalan at simbahan ang nakitang hindi na nasunod ang protocols para sa kaligtasan na rin ng lahat sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng mga marshal.
Anang PNP chief,kasama sa kautusan ang koordinasyon sa mga LGU sa Metro Manila upang maayos na maipatupad ang minimum public health safety protocols at ibang pang mga restriction na ipapatupad sa NCR.
“Natutuwa kami sa PNP na kahit paano ay bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa ating bansa subalit hindi dapat maging dahilan ito para tayo ay maging kampante at balewalain ang health safety protocols dahil kung hindi, ang panandaliang kaligayahan na ating nararamdaman ngayon ay mauuwi na naman sa matagal na lockdown,”diin ni Eleazar. VERLIN RUIZ
297398 480892Somebody necessarily help to make seriously articles I may state. That is the very first time I frequented your internet page and to this point? I surprised with the research you created to make this actual put up remarkable. Amazing task! 682769
818244 608712There is numerous separate years Los angeles Weight reduction eating program with each a person is actually a necessity. The pioneer part can be your original getting rid of belonging towards the extra pounds. la weight loss 439598
408141 833685Up to now, you call for to term of hire an absolute truck or van and will also be removal equipments to valuable items plus take a look at the new destination. From the long run, which finish up with are couple of issues except anxiety moreover stress and anxiety. removals stockport 235713
979272 833441hey, your internet web site is excellent. We do appreciate your work 257599
481855 764749of course like your web site but you have to check the spelling on quite a few of your posts. 163523
594801 934771Some actually select articles on this internet site , bookmarked . 859197