POLICY RATE CUT NAKAAMBA

BSP Governor Benjamin Diokno

MULING nagpahiwatig si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi maiiwasan ang  major policy actions mula sa monetary authorities makaraang bumagal ang inflation rate at maging pasok sa target ng gobyerno.

“It is clear that with inflation rate going back to its original target (3.0 + or – one percentage point), then a policy rate cut becomes inevitable,” wika ni Diokno.

Sa first quarter ng 2019, ang inflation rate ay bumagal sa 3.8 percent mula sa 5.9 percent sa last quarter ng 2018.

Ang pinakahuling inflation rate ay pasok din sa target range ng pamahalaan na  2-4 percent makalipas ang tatlong sunod na quarters na mas mabilis ang inflation sa goal.

Ang epekto ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, mas mataas na global oil prices, at pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang produkto dahil sa kakulangan ng suplay ay isinisi sa pagbilis ng inflation sa huling bahagi ng 2018.

Bunga nito, ang policy-setting Monetary Board ng BSP ay nagpasiyang itaas ang key policy rates ng apat na beses sa cumulative 175 basis points.

“We’re starting from a position where BSP raised policy rates last year  by 175 basis points because of the unexpected elevated prices,” wika ni Di-okno.

Inulit din ng central bank chief ang nauna nitong pahayag sa posibilidad ng pagluwag ng reserve requirement ratio (RRR).

“We have the highest RRR (18 as opposed to single digit for our ASEAN neighbors),” ani Diokno.

Ang Philippine reserve requirement – ang halaga ng cash na dapat na tangan ng bangko sa reserves nito laban sa mga idineposito ng mga customer – na kasalukuyang nasa 18 percent ay sinasabing isa sa pinakamataas sa mundo.

Binawasan ito ng 2 percentage points noong 2018, kung saan sinabi ni dating BSP Governor Nestor Espenilla, Jr. na nais niya itong mapababa ng kalahati sa kanyang termino na magtatapos sana sa 2023.

Gayunman ay pumanaw si Espenilla noong Pebrero makaraang makipaglaban sa tongue cancer sa loob ng mahigit isang taon.

Comments are closed.