POLICY RATES ‘DI GAGALAW

NANINIWALA si Monetary Board Member Felipe M. Medalla na hindi gagalaw ang policy rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hanggang Agosto 2019.

Sa “Conference on ­Gearing Up for External Competitiveness” na idinaos sa tanggapan ng BSP sa Manila kahapon, sinabi ni Medalla na ang inflation ay inaasahang babagal makaraang pumalo sa record-high levels noong 2018.

“Our inflation forecast is that inflation will go down because of base effects…it will even go down to two percent…But our own forecast is it will return back as long as all base effects disappear,” aniya.

Dahil dito, nakikita ni Medalla na hindi magbabago ang policy rates sa susunod na dalawang meetings ng Monetary Board.

Magugunitang Oktubre 2018 nang maitala ang hu­ling mabilis na inflation sa 6.0 percent. Matapos nito ay unti-unti itong bum-agal hanggang nitong Abril.

Gayunman ay naputol ang six-month slide nitong Mayo makaraang bumilis ang inflation sa 3.2 percent kung saan pangunahing contributors ang food at non-alcoholic beverages, tubig, koryente, gasolina at iba pang produktong petrolyo.

“The current projection is that inflation will go back to a little low three percent this year (and) a little high three percent next year,” sabi pa ni Medalla.

“And therefore there’s really no reason to change policy rates.”

Binawasan ng MB ang key rates ng central bank noong nakaraang Mayo 9 dahil ang inflation outlook ay nananatiling ‘manageable’.

Comments are closed.