NAGPASIYA kahapon ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang key policy rates, ang unang pagkakataon na ginawa nila ito sa nakalipas na anim na taon.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, nagdesisyon ang MB na bawasan ang rates ng 25 basis points – overnight borrowing sa 4.5%, over-night lending sa 5.0%, at overnight deposit rate sa 4.00%, epektibo ngayong araw.
“The Monetary Board’s decision is based on its assessment that the inflation outlook continues to be manageable, with easing price pressures owing to the decline in food prices amid improved supply conditions,” wika ni Diokno.
Ito ang unang policy rate cut sa loob ng anim na taon o magmula nang magpasiya ang MB na tapyasan ang key policy rates ng 25 basis points noong Oktubre 2012 sa 3.50% para sa overnight borrowing rate.
Gayunman, ipinatupad ng BSP noong Hunyo 2016 ang interest rate corridor (IRC), na nagtatakda ng kaukulang changes sa policy rates.
“Latest baseline forecasts indicate that inflation remains likely to settle within the target range of 3.0% ± 1.0 percentage point for both 2019 and 2020, while inflation expectations have moderated further,” paliwanag ni Diokno.
Comments are closed.