MULING itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key policy rates nito, ang ikatlo at pinakaagresibong hakbang ng central bank sa kasalukuyan ngayong taon sa harap ng patuloy na pagsipa ng inflation.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, Jr., ang desisyon ay nabuo ng policy setting Monetary Board ng central bank dahil sa kasalukuyang kalagayan ng inflation sa bansa.
Ang overnight borrowing rate ay itinaas sa 4.00 percent, habang ang overnight lending rate ay ginawang 4.50 percent at ang overnight deposit rate ay 3.50 percent.
Ang interest rate adjustments ay magkakabisa ngayong araw.
“In deciding to raise the BSP’s policy interest rates anew, the Monetary Board noted that latest baseline forecasts have shifted higher over the policy horizon,” wika ni Espenilla.
“Upside risks also continue to dominate the inflation outlook, as the sustained increase in core inflation suggests broadening price pressures amid resilient aggregate demand conditions,” aniya pa.
Ito ang ikatlong rate hike ng BSP sa kasalukuyan makaraang taasan ang policy rates ng tig-25 basis points noong Mayo at Hun-yo.
Umaasa ang BSP na maitatala ang inflation sa 4.9 percent ngayong taon, mas mabilis sa naunang pagtaya na 4.5 percent.
“For 2018, we’re looking at four factors behind the increase in our forecast,” sabi naman ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo.
Tinukoy niya ang pagtaas ng pamasahe sa jeep, mas mataas na singil sa tubig noong Hulyo, mas mataas na excise taxes sa tobacco products, at ang pagsipa ng Dubai oil prices.
Comments are closed.