POLICY RATES ITINAAS ULIT NG BSP

Bangko Sentral ng Pilipinas

SA ikaapat na pagkakataon ngayong taon ay itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate hike nito sa harap ng pagsipa ng inflation.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, napagpasiyahan ng policy-setting sa Monetary Board na itaas ang overnight borrowing rate ng 50 basis points (bps) sa 4.50 percent.

Simula ngayong araw, ang overnight lending rate ay hihigpitan din ng 50 bps sa 5.00 percent at ang overnight deposit rate sa 4.00 percent.

“The Monetary Board recognized that a further tightening of monetary policy was warranted by persistent signs of sustained and broadening price pressures,” wika ni Fonacier.

Ang policy rates ay nauna nang hinigpitan ng tig-25 basis points noong Mayo at Hunyo, at ng 50 basis points noong Agosto.

Comments are closed.