POLICY RATES TINAASAN NG BSP

bsp

ITINAAS ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key policy rates nito sa unang pagkakataon sa loob ng halos apat na taon makaraang pumalo ang inflation sa pinakamataas na antas nito sa loob ng limang taon.

Nagpasiya ang policy-setting Monetary Board (MB) na itaas ang overnight borrowing rate sa 3.25 percent mula sa 3 percent.

Itinaas din ng board ang overnight lending rate mula sa 3.5 percent at ang  overnight deposit rate mula sa 2.5 percent.

Huling nagtaas ng policy rates ang central bank noong Setyembre  2014.

“In deciding to raise the policy interest rate, the Monetary Board noted that latest forecasts have further shifted higher, indicating that inflation pressures could become more broad-based over the policy horizon,” wika ni  BSP Governor Nestor Espenilla, Jr. sa isang press briefing matapos ang policy-setting meeting.

Sa parehong briefing, sinabi ni Deputy Governor Diwa Guinigundo na sa pinakahuling inflation forecast, ang inflation rate ngayong taon ay inaasahang aabot sa 4.6 percent mula sa naunang pagtaya na 3.9 percent.

Ayon kay Guinigundo, kabilang sa inflation drivers ang mataas na presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at ng sin products tulad ng sigarilyo.

 

Comments are closed.