INANUNSIYO ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panibagong key rate cuts.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang key policy rates ay babawasan ng 50 basis points epektibo ngayong araw.
“This will bring the overnight reverse repurchase rate to 2.75%, the overnight deposit facility to 2.25%, and the overnight lending facility to 3.25%,” ani Diokno.Wala pang anunsiyo ang central bank hinggil sa reserve requirement ratio (RRR).
Nakatakdang rebyuhin ng Monetary Board ang key policy rates sa Mayo 19, 2020.
Noong nakaraang buwan ay tinapyasan na ng BSP ang policy rates ng 50 basis points, na nagkaloob ng economic stimulus sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis. Binawasan din nito ang reserve requirement para sa lahat ng universal at commercial banks ng 200 basis points simula Marso 30.
Comments are closed.