POLICY SA MGA PAALIS NA PINOY

NILINAW ng Bureau of Immigration ang polisiya sa mga paalis na Pilipino sa gitna ng travel restrictions sa nararanasang pandemya.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, dadaan ang mga outbound Filipino sa regular immigration inspection sa international ports.

Noong 2020, kasunod ng resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), inalis na ang pagbabawal sa non-essential travel ng mga Filipino.

Dagdag ni Morente, kailangan ding magpakita ang mga paalis na Pinoy ng round trip ticket, at travel at health insurance para sa COVID-19 na sakop ang panahon ng pananatili sa ibang bansa.

Kailangan ding pumirma ng declaration kaugnay sa panganib na idulot ng biyahe.

Nilinaw pa ni Morente na hindi totoo ang kumakalat na impormasyon sa online, na ilang brand lamang ng travel insurance ang tinatanggap. FROI MORALLOS