POLICY SA SUSPENSIYON NG SEA TRAVEL PINABABAGO

Lord Allan Velasco

DAHIL mayroong nang advanced gale warning advisories at iba pang maritime-based forecasting technologies, hindi na akma sa kasalukuyang panahon at marapat lamang na baguhin na ang 8-year-old policy na sinusunod sa pagsususpinde ng anumang  pagbibiyahe o paglalayag sa karagatan partikular kung nagdeklara ng Public Storm Warning Signal (PSWS).

Ito ang binigyang-diin ni Speaker Lord Allan Velasco sa virtual meeting niya sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at ng Maritime Industry Authority (MARINA) kamakailan.

Puna ng pinuno ng Kamara, ang nasabing ‘outdated policy’ na sinusunod ng PCG ay nagdudulot ng “stressful delays, unforeseen cancellations, decreased economic productivity and stalled shipping services.”

“During which no vessel is allowed to travel, is quite long and leads to serious port congestion and derailment of economic activities,” pagbibigay-diin pa ni Velasco kung saan ang tinutukoy niya ay ang pagbabawal na pumalaot ang anumang sasakyang dagat sa loob ng 36 oras kapag itinaas ang PSWS No. 1.

Nabatid na sa ilalim ng PCG Memorandum Circular No. 02-13 o ang “Guidelines on Movement of Vessels During Heavy Weather,” walang anumang sea vessel ang papayagang bumiyahe mula sa point of origin nito, na unang itinakdang ruta at sa point of destination kapag idineklara ang nasabing public storm warning signal.

“PSWS No. 1 is put in effect and announced by PAGASA when wind speeds ranging from 30 to 60 kilometers per hour is expected to take place in a given locality within a lead time of 36 hours, although the corresponding weather conditions may not yet be prevailing over that particular area,” ani Velasco.

Sinabi ng House Speaker na ang 36-hour lead time, na ang orihinal na intensiyon ay para sa inland storm preparations ng mga residente, sakahan gayundin ang land trips at iba pang aktibidad sa mga lugar na daraanan ng bagyo, ay masyadong mahaba sa panig ng maritime operations.

Inihalimbawa niya ang karanasan niya at ng kanyang mga kababayan sa Marinduque kung saan ang kanilang inter-island trip ay aabot lamang umano sa isa o dalawang oras, na kapag mayroong PSWS No. 1 ay 36 oras na silang nakatengga at hindi na makabiyahe sa dagat.

Mungkahi ng mambabatas, direktang tukuyin ng PAGASA ng rehiyong apektado ng weather disturbance at magtakda ng isang quadrant kung saan matutukoy ang mismong lugar na delikado sa pagbibiyahe sa dapat upang ang ibang lugar ay hindi naman masakripisyo kung mababalam ang kanilang paglalayag at matetengga lamang sa port terminal o kalapit na lugar nito ng mahabang oras. ROMER R. BUTUYAN

2 thoughts on “POLICY SA SUSPENSIYON NG SEA TRAVEL PINABABAGO”

  1. 59285 641549This is a good topic to talk about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. I dont feel this would be the top to submit though. Ill take a appear about your internet site though and submit something else. 372508

Comments are closed.