POLIO CASES TUMAAS SA PAPUA NEW GUINEA, PINOY PINAALALAHANAN

polio

PASAY CITY – NAGPAALALA ang Philippine authority sa mga kababayang Filipino sa Papua New Guinea makaraang maitala ang pagbabalik ng deadly disease na polio.

Sa ulat, nagkukumahog ang mga doktor doon na buhayin ang vaccination programs upang mapigilan ang karagdagang kaso.

Ilang dekada na ring naibsan ang pagkakaroon ng naturang sakit subalit ngayong taon naitala ang malawak na polio virus sa tatlong bansa gaya sa Afghanistan, Nigeria at Pakistan.

Naitala rin ang pagkakaroon ng kaso sa Papua New Guinea, na isa sa umano’y pinakamahirap na bansa.

Nabatid na noong Abril ay may na-detect na isang anim na taong gulang na lalaki ang na-paralyze kung saan nakatira ito sa northern coast at mayroong dosena ang na-infect dahilan para magdeklara ng national emergency.

Ang PNG ay may populasyon ng nasa walong milyong katao at kahit noong 1996 ay napigilan ang pagdami ng kaso habang noong 2000 ay sinertipikahan bilang polio-free.

Subalit nahinto rin ang vaccination programs at ang poor sanitation ang sanhi kung bakit mayroong muling tinamaan ng polio.

Panawagan naman ng Philippine authority na naroon sa nasabing bansa na pag-ingatan ang sarili gayundin ang kanilang mga anak.     PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.