POLISIYA SA DEPLOYMENT NG OFWs PALITAN

HINILING ng isang kongresista na palitan ang polisiya para sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay kasunod ng pagbaba sa remittances ng mga OFW sa Middle East.

Ayon kay Leyte Rep. Henry Ong, batay sa datus ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 15.3% o 601.8 million dollars ang ibinaba ng OFW remittances mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Naitala ang pagbaba ng OFW remittances sa mga bansang Saudi Arabia, Kuwait at Israel na dati ay pinagmumulan ng malaking remittances.

Dahil dito, naniniwala ang kongresista na umabot na sa saturation point ang OFW market sa Gitnang Silangan.

Inirekomenda na ni Ong na mag­hanap na ng ibang mga bansa na mas nangangailangan ng serbisyo ng mga OFW upang makabawi sa mga nawa-lang remittances sa bansa. CONDE BATAC

Comments are closed.