IGINIIT ni Senador Koko Pimentel na hindi kinakailangan na manggagaling sa confidential funds ang pagbili ng mga equipment ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Pimentel, dapat gumawa ang DICT ng polisiya para labanan ang cybercrime na hindi kinakailangan ang confidential funds.
“The DICT’s primary role is not criminal law enforcement. It is not. It may have but it is not the primary role,” sinabi ng mambabatas.
Isa sa tinanggalan ng Kamara ng confidential funds ang DICT, kung saan may panukala ito na P300 milyon.
Naunan nang sinabi ni DICT Secretary John Ivan Uy na aapela ito sa Senado upang ibalik ang confidential funds ng ahensya.
Ngunit, sinabi ni Pimentel na, “If we push that logic, it’s absurd, extreme. Ang buong budget pala ng Philippine National Police puwede nilang sabihin confidential fund na.”
LIZA SORIANO