ILALATHALA na ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga political parties at partylist group na interesadong lumahok sa May 13, 2019 National and Local Elections (NLE), sa mga susunod na araw.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ipapa-publish nila ang mga ito sa mga pahayagan at maging sa Comelec website.
Bukod sa political parties at partylist groups, kasama rin nilang ipalalathala ang mga pangalan ng mga nominado ng mga partyl-ist group.
Wala pa namang tinukoy na petsa si Guanzon kung kailan isasagawa ang aktuwal na paglalathala ng mga naturang listahan.
“List of political parties and Party List will be published in newspaper and @COMELEC website soon. With names of PL nominees,” pahayag pa ng commissioner sa kanyang Twitter account.
Una nang inianunsiyo ni Guanzon na hihilingin niya sa Comelec en banc na ipaskil ang listahan ng mga nominado ng mga partylist group.
Ayon kay Guanzon, may karapatan ang mga mamamayan na malaman kung sino-sino ang mga taong iluluklok nila sa pwesto para na rin sa transparency at accountability ng mga ito.
“I will ask the @COMELEC En Banc to post the list of nominees of party list groups . Yes the people should know who they are voting for transparency and accountability. Do you agree Comm @LTFGuia,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ.
Comments are closed.