PAGKATAPOS ng halalan bukas, Mayo 9, napapanahon pa bang manatili ang umiiral na multi-party political system o marapat nang ibalik ang dating 2-party system upang mangibabaw sa eleksiyon ang majority votes sa mga tumatakbong pangulo ng bansa, sa halip na minority votes na tinatamasa ngayon ng mga nagwawagi sa mga idinaraos na halalan?
By majority president, it means that the winner got more than 50% of the total votes cast. Other winner who generated less than one-half are deemed minority president.
Ang mga naging panggulo ng bansa, maliban kay former strongman Ferdinand Marcos ay itinuturing na plurality president gaya nina Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo, Benigno Aquino III at maging si Rodrigo Duterte. Si Pangulong Cory Aquino ay hindi naman nanalo sa halalan at nailuklok lamang siya sa rebolusyonaryong paraan.
Si Pangulong Cory noong 1986 polls ay umani lamang ng 46.10% votes laban kay Marcos na nakapagtala ng 56.62%. Si FVR ay nakapagtala ng 23.58% laban kina Miriam Santiago, 19.72%; Danding Cojuangco,18.17%; Ramon Mitra, 14.64%; Imelda Marcos, 10.32%; at Jovito Salonga, 10.16%. Si Erap ay nakakuha naman ng 39.86%; GMA, 39.99%; PNoy, 42.08%; at Duterte, 39.01%.
Alam ba ninyong sa panahon ng rebolusyong Pilipino, inilarawan bilang pasimula ng halalan sa pagka-pangulo na ito’y pinamunuan ni Andres Bonifacio na siyang pinuno ng Katipunan.
Taong 1897 nang maganap ang Tejeros Convention at matagumpay na tinanggal sa puwesto ni Emilio Aguinaldo si Bonifacio at mula noon ay si Aguinaldo na ang namuno sa rebolusyon.
Inihalal ng kongreso ng Malolos si Aguinaldo bilang Pangulo noong Enro 1, 1899. Nagpasa ng Konstitusyon at si Aguinaldo ang namuno sa Unang Republika hanggang sa madakip si Aguinaldo ng mga Amerikano noong Marso 23, 1901.
Ang unang halalan sa pagka-panglo sa pamamagitan ng popular votes ay noong Setyembre 15, 1935, matapos ratipikahan ang 1935 Constitution at dito ay si Manuel Quezon ng partido Nationalista Party ang nagwagi kung saan tinalo niya ang dating pangulong Aguinaldo sa ilalim ng Kongreso ng Malolos.
Ang pamunuan sa ilalim ng Commonwealth government ni Quezon na muling nahalal taong 1941 at 1945 nang itinatag ng imperyo ng Japan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas na naghalal naman kay Jose Laurel bilang Pangulo ng Pambansang Asembleya.
Matapos matalo sa digmaan ang mga Hapones, si Manuel Roxas naman ang nanalo sa halalan sa ilalim ng partidong Liberal Party. Sumunod na naging Pangulo ng bansa si Elpidio Quirino. Ang labanan sa politika sa pamamagitan lamang ng dalawang partido – Liberal at Nationalista ay inilarawan na isang maliwanag na dalalawang partido ng Sistema ng Ikatlong Republika.
Sa panahon ni ex-President Marcos, taong 1972 ay idineklara nito ang Batas Militar. Noong mga panahong iyon ay niratipikahan ang 1973 Constitution.
Taong 1981 sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Konstitusyon, muling nahalal si Marcos kung saan karamihan sa mga oposisyon ay nag-boycott sa halalan. Nanalo si Marcos sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan.
Taong 1986 ay tinanggap ni Marcos ang hamon na ‘snap election’ katambal si Arturo Tolentino bilang katunggali ni Corazon Aquino hanggang sa maganap ang makasaysayang People Power Revolution.
Hinalinhan si Aquino ni Ramos noong 1992 na nakakuha lamang ng minority votes na 23%, pinakamababang popularidad sa kasaysayan ng politika.
Pinasimulang itatag ang multi-party system, hinalinhan si Ramos ni Joseph Estrada noong 1998 na nag-landslide at nakakuha ng minority votes na 40%, si Gloria Arroyo na humalili kay Erap sa resulta ng 2001 EDSA Revolution kung saan taong 2006 ay tinalo ni Arroyo ang popular na si Fernando Poe, Jr.
Matapos noon ay si Benigno Aquino, Jr. na ang naging Pangulo ng bansa na umani ng 42% minority votes taong 2010.
Maging si Duterte ay minority vote (minority president) din ang tinamo sa pamamagitan ng 40% votes, ngunit may 14% na margin ng tagumpay mula sa 2nd place na si Mar Roxas taong 2016.
Sa May 9 presidential race, sino kaya sa mga nagtutunggaling kandidato ang makakakuha ng majority votes dahil dito nasusukat kung ang mga tao o ang sambayanan ay lubhang interesado sa halalang ito kaya naman ang lahat ay gustong magpartisipa.
Subalit kung ang mailuluklok sa puwesto sa pangka-Pangulo ng bansa ay aani rin ng minority votes, malamang na sa mga susunod na halalan ay ibalik na ang 2-party system sa bansa.
Sa bagong tunggalian ng henerasyon sa panahong ito, bagaman marami ang naglalaban sa panguluhan, tila nakasentro ang bakbakan sa pagka-presidente kina former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Vice President Leni Robredo.
Sinuman sa kanila ang magtagumpay, dalangin ng sambayanang Pilipino na maidaos nang tahimik, malinis at maayos ang May 9 polls.
vvv
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].