POLITICAL WILL NI PBBM: P25/K NG BIGAS, BAGSAK-­PRESYO NG PAGKAIN ABOT KAMAY NA

masalamin logo

PATUNGO na sa realization o katotohanan ang mga hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mababang pre­syo ng pagkain at produktong agrikultura.

Ito ang napatunayan nang kanyang pangunahan ang sabay-sabay na paglulunsad ng Kadiwa Ng Pasko kung saan nag-set up ng mini-palengke sa mga compound ng bawat munisipyo.
Sa nasabing Kadiwa ng Pasko ay direktang maititinda ng mga magsasaka o agriculture worker ang kanilang mga produkto.

O para sa walang kakayahang ibyahe ang kanilang kalakal ay direktang ibebenta sa maliliit na negosyante ang produkto na siya namang lalahok sa Kadiwa ng Pasko, depende kung saang LGU.
Ang KNP ay proyekto ni PBBM na naglalayong ibsan ang kagutuman, kakulangan ng supply ng pagkain at pagtaas ng presyo nito.

Sa konsepto ng KNP, maeengganyo ang mga magsasaka na dagdagan ang produksyon dahil tiyak na mailalagay nila ito sa merkado.

Kapag lumakas ang produksyon ng agrikultura, magkakaroon ng sapat na pagkain at makokontrol ang presyo nito.
Higit sa lahat kapag mara­ming supply ng local na agri pro­ducts, hindi na kailangan ang importasyon dahil ang mga local producers na ang magsu-supply.

Hindi mamomroblema ang pamahalaan sa kakulangan ng supply, sa mataaas na bilihin at mayroong hanapbuhay ang nasa bukid maging ang mga mangingisda at naghahayupan, gayundin ang micro, small at medium enterprises.
Everybody happy sabi nga.

Ang Kadiwa ng Pasko ay hindi lamang sa Department of Agriculture umaasa kundi maging sa Departments of Trade; Social Welfare and Development; Labor and Employment at maging sa Interior and Local Government.

Sa unang araw na paglulunsad nito, napatunayan ang political will ni PBBM.

Dahil ang matagal nang pasaring na P20/kilo na bigas ay abot-kamay na dahil naibaba na ngayon sa P25 ang kada kilo ng bigas.

Ang presyo ng bawang, na kayang maibenta sa mababang halaga, ang luya na singlaki ng daliri ay nasa halagang P30 sa mga tindahan, maaring bilhin ng hanggang P70 kada kilo at napakarami na niyong magagamitan.

Ang puting asukal na nasa P90 kada kilo sa mga grocery, P70 lang ang benta, ang saging na Latundan, P40 ang benta sa kada kilo.

Marami pang mga gulay at isda na mabibili sa KNP na sadyang bagsak-presyo.

Sana tangkilikin natin ang proyektong ito dahil win-win solution para sa lahat.