POLITICIANS SA NARCO LIST NABAWASAN

Director General Aaron Aquino-2

INIHAYAG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nabawasan na ang bilang ng mga politikong nakatala sa hawak nilang  narco list.

Sa datos ng PDEA, mula sa 96, nasa 87 na lamang ang narco politicans na nakapaloob sa hawan na  listahan ng ahensiya.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kasunod ito ng mga nangyaring pagpatay at pagbaba sa puwesto ng ilang local government officials  na may sabit sa droga.

Sinasabing kabilang dito si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili na binaril noong Hulyo 2 bagama’t tahasang itinatanggi ng pamilya na sangkot ang aklade sa illegal drug trade.

Kamakailan ay lumutang ang balitang isang retiradong heneral ang nakaaway ni Halili at sinasabing ito ang dahilan o gumawa ng paraan para masali ang pangalan ng alkalde sa listahan ng narco-politicians sa bansa.

Samantala, nabatid din na inalis sa narco list ang siyam na dating politiko matapos nilang bumaba sa puwesto o dahil sa “natural deaths.”

Kasama sa narco list ng PDEA ang 67 alkalde at pitong kongresista.

Kaugnay nito ay hini­ling sa PDEA na dapat maipaliwanag kung paano ang ginagawang assessment at pag-validate ng ahensiya sa mga lokal na opisyal na naisasama sa listahan na sinasabing may kinalaman sa kalakaran ng ilegal na droga.

Ito umano ay upang  maiwasang samantalahin din ng mga kalaban sa politika ng mga lokal na opis­yal, ang usapin. VERLIN RUIZ

Comments are closed.