POLITIKA MOTIBO SA PANANAMBANG SA DATING KONGRESISTA

CAMARINES SUR-KUMIKILOS na ang Special Provincial Investigating Team na itinatag ni PNP Police Regional Office Regional Director P/Bgen Jonnel C Estomo para tuklasin ang utak ng tangkang pananambang kay dating Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr.

Noong Hunyo 1 ay pinagbabaril ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo si Andaya sa bayan ng Pili subalit nakaligtas ito.

Hinihinalang politika ang motibo sa likod ng pananambang sa dating mambabatas.
“Tayo po ang nag-deploy na ng karagdagan pulis sa lugar upang alisin ang pangamba sa ating mga kababayan na naroon,” ani Estomo.

Sa isang panayam, politika ang isa sa mga nakikitang angulo ni Andaya sa likod ng pananambang sa kanya, subalit inihayag nito na wala siyang planong tumakbo o lumaban para sa gubernatorial seat ng kanilang lalawigan. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “POLITIKA MOTIBO SA PANANAMBANG SA DATING KONGRESISTA”

Comments are closed.