POLITIKA ang nakikitang motibo ng Philippine National Police (PNP) sa likod ng panibagong kaso ng pagpatay sa local government official sa bayan ng Sapah-sapah, Tawi-Tawi.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, politika ang pangunahing anggulo na tinututukan ng PNP at maging ang mga kamag-anak ng pinaslang na si Vice Mayor Alrashid Mohammad Ali ng Sapah-sapah, town.
Binase ang nasabing pahayag ni Albayalde sa proklamasyon ng kampo ni Ali na inihahanda na ito para tumakbo sa pagka-alkalde sa susunod na taon.
Kasalukuyang nakaupo ang ama ni Ali bilang alkalde ng Sapah-Sapah na nasa kanyang ikatlo at huling termino na.
Sinabi ni Albayalde na si Ali ang nakikita ng kanyang pamilya na ilalaban sa darating na halalan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.