NAGSANIB-puwersa ang PNP at LSY Production para makapag-produce ng one-hour talk show at drama anthology series entitled “Salu-do.”
Ang pilot episode ng “Saludo” ay tungkol sa buhay ni General Bato na gagampanan ni Polo Ravales na mapanonood sa PTV 4, simula ngayong ar-aw ng Linggo, Enero 27, mula 8:00pm to 9:00pm.
Sa launching ng “Saludo” na ginanap sa PCRG Camp Crame ay natanong si Polo kung wala bang conflict sa pelikulang ginagawa ngayon ni Robin Padilla na kung saan buhay din ni General Bato ang tema ng istorya.
“Wala namang conflict, actually nakausap po namin si General Bato at pumayag naman siya kasi hindi naman ito katulad ng pelikulang ginagawa ni Robin (Padilla).
“Yes, buhay din ni General Bato ang ginagawa namin sa TV na produce ng magkasanib na PNP at Ms Leonor Sy. Pero ang TV series na ginagawa namin sa buhay ni General ay ‘yung nagsisimula pa lang siya hanggang sa maging PNP Chief siya.
“Sa TV series na “Saludo” ay ipakikita namin kung paano nilabanan ni General Bato ang programa sa droga at ‘yung mga hirap na dinanas niya para lang gampanan ng matapat ang kanyang tungkulin.
“Nakakatuwa nga, sa TV series na “Saludo” ay ako ang gumaganap na General Ronald dela Rosa, pero sa movie ni Robin (Padilla) ay gaganap na-man ako moral na kaaway at kalaban ni General Ronald dela Rosa,” pahayag ni Polo.
Sa movie kasi ay tatalakayin ang buhay ni General Bato mula pagkabata at hanggang mag-asawa. ‘Yung buhay niya talaga ang ipakikita sa movie, not like sa TV series naming “Saludo,” tinatalakay ang kanyang achievement bilang chief of Police na nilabanan ang droga sa bansa.
Hindi lang ang buhay ng mga sundalo ang tatalakayin sa TV series ng Saludo. Ipakikita at mapapanood din dito ang mga buhay ng isang ordinaryo tao na nakapagbigay ng karangalan sa ating bansa para saluduhan sa kanilang nagawang achievement para sa bayan.
Ayon kay Leonor Sy, producer at owner ng LSY Prodiuction, kinausap muna nila si General Bato bago ginawa ang buhay nito noong siya pa ang PNP Director.
“Wala naman naging problema kay General Bato, nagkausap kami at umokey na naman siya dahil iba naman ang tinatalakay sa istorya ng kanyang movie na gagampanan nga ni Robin (Padilla), kumpara sa TV series namin na “Saludo,” say ng batambatang at magandang producer na si Leonor Sy.
ROBIN NILINAW NA ‘DI PROPAGANDA ANG PORTRAYAL NIYA KAY GEN. DELA ROSA
PINAGDIINAN naman ni Robin Padilla na hindi propaganda sa buhay ni General Ronald dela Rosa ang pelikula niyang “Bato, The General Ronald dela Rosa Story.”
Hindi raw kasi maiaalis na intrigahin ang kanilang movie dahil tatakbo ngang senador si General Bato sa darating na election.
“Isa po itong inspirational story. Gusto naming ipakita sa movie na hindi hadlang ang kahirapan para matupad ang pangarap ng isang tao. Walang kinalaman ang politika sa pelikula,” paglilinaw ni Robin Padilla.
Tinanggap daw niya ang movie dahil na rin kasama niya ang mga taong naging bahagi ng tagumpay niya bilang action king.
Hindi naman ikinaila ni Robin na suportado niya ang kandidatura ni General Ronald dela Rosa pero dahil pelikula ang kanyang gagawin ay ipinau-baya niya ang business side nito sa kanilang management team.
Ang ikinalungkot lang ni Robin ay kasamahan pa nila sa industriya ang bumabatikos na propaganda film ang ginagawa niyang movie.
Hindi raw siya dapat ang gaganap na bida ng pelikula at marami raw siyang inirekomendang artista na puwedeng gumanap na Ronald dela Rosa. Isa nga raw sa unang-unang inirekomenda niya ay si Coco Martin pero hindi raw nagkasundo sa schedule.
Inirekomenda rin ni Robin ang pamangkin niya na si Daniel Padilla na gumanap na young Bato. Pati ang manugang niyang si Aljur Abrenica ay kanyang kinausap. Problema ay hindi nagkaintindihan dahil inakala at pinagbintangan na propaganda, mahirap.
Hindi lang daw niya matanggihan ang producer at inamin na matagal na rin niyang miss ang paggawa ng action film na tulad ng buhay ni General Ronald dela Rosa.
Comments are closed.