POLO SA CHINA ARANGKADA NA

MAYNILA – MAGTATAYO na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang Fi­lipinas sa China simula sa susunod na taon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang POLO Office ay itatayo sa Beijing, Shanghai, at Shenzen sa China.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng POLO office ang Filipinas sa China batay na rin sa rekomendasyon ng Department of Fo­reign Affairs (DFA).

Kasunod ito ng bilateral agreement ng Filipinas at China para sa deployment ng 2,000 Pinoy english teachers sa China.

Ayon kay Bello, sa ngayon ay nasa 300,000 ang bilang ng mga manggagawang Pinoy sa China, na nagtatrabaho bilang private tutors, musician, at skilled workers.

Samantala, inanunsiyo rin ni Bello na mayroon ng bagong POLO office sa Osaka, Japan at Wellington, New Zealand.

Bukod naman sa China magkakaroon din ng POLO office sa Czechoslovakia. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.