DOHA- HINDI muna mapagsisilbihan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Qatar.
Ito ay dahil pansamantalang itinigil ang operasyon ng naturang tanggapan matapos mahawaan ng coronavirus 2019 (COVID-19) ang karamihan sa mga empleyado at ang halos 100 mga migrant workers.
Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, ilan sa OFWs na kinukupkop ng Philippine Overseas Labor Office ay hindi pa sumailalim sa COVID-19 test, ngunit hindi kagaya sa Filipinas na 24-oras lamang ang hihintayin upang malaman ang resulta ng nasal swab test sa Qatar.
May ulat din na handang umuwi sa Filipinas ang mahigit sa 200 OFWs kung saan sa ngayon, nananatiling sarado ang mga mall, restaurant at suspendido rin ang commercial flights sa nasabing bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.