PONDO NG GOV’T MASASAYANG KAPAG DI ISINABAY ANG BARMM POLLS SA 2025-COMELEC

MALAKI ang masasayang na pondo ng gobyerno kung hindi isasabay ang parliamentary election sa BARMM sa 2025 midterm elections.

Ito ang pahayag ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia bilang tugon sa inihaing panukalang batas para ipagpaliban ang halalan sa rehiyon.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Garcia na nakahanda ang poll body sa pagsasagawa ng kauna- unahang halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sakaling hindi matuloy, masasayang rin aniya ang kanilang mga isinagawang paghahanda para rito.

Isang makina lamang ang gagamitin para sa 2025 midterm elections at BARMM election.

Sinimulan na rin ng Comelec ang pagtanggap ng mga maghahain ng kanilang kandidatura para sa eleksyon sa BARMM.

RUBEN FUENTES