HINILING ni Senadora Cynthia Villar na ituon ang pondo ng National Irrigation Administration (NIA) sa pagpapagawa ng mga bagong irigasyon sa bansa.
Sa isinagawang pagdinig ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) sa appointment ni Agriculture Secretary William Dar, sinabi ni Villar na sa kasalukuyan ay 50% budget ng NIA ay para sa irrigation repair at ang 50% naman ay para sa pagpapagawa ng mga bagong irigasyon.
Anang senadora, kumonsulta siya kay dating Budget Secretary at ngayon ay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno sa halaga na dapat gugugulin ng NIA para sa mga bagong irrigation project.
Sinabi, aniya, ni Diokno na dapat ay 80% ng budget ng NIA ang igugol sa pagpapagawa ng mga bagong iriga-syon at 20% lamang sa pagkumpuni ng mga luma.
Duda kasi si Villar kung nagastos ba talaga ang lahat ng 50% pondo para sa pagpapa-repair ng mga irigasyon dahil hindi ito nakikita.
Dahil dito, hiniling ni Villar kay Dar na atasan ang NIA na gastusin ang 80% ng pondo para sa pagpapagawa ng mga bagong irigasyon na higit na kailangan ng mga magsasaka. VICKY CERVALES
Comments are closed.