(Pondo ng Pantawid Pasada program ipinagagamit) LIBRENG SWAB TEST SA PUV DRIVERS

Ako Bicol Rep Alfredo Garbin

HINILING ni Ako Bicol Par tylist Rep. Alfredo Garbin sa pamahalaan na gamitin ang pondo ng Pantawid Pasada program para sa libreng COVID-19 testing ng mga driver at pasahero.Ito ay matapos na maiulat na halos 80 pasahero ng mga colorum na sasakyan na papuntang Bicol mula sa Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Garbin, siguradong maraming pampasaherong sasakyan ang magpapalusot dahil wala namang libreng testing at mahal ang magpa-swab test.

Giit ng mambabatas, ipagamit ang parte ng pondo ng Pantawid Pasada program, gayundin ang kita mula sa PAGCOR para mabigyan ng libreng RT PCR test ang mga tsuper at pasahero ng PUVs, FXs at mga bus.

Ipinasasama rin sa libreng COVID testing ang mga pasaherong stranded sa mga pier, airport at transport terminal para maiwasang madala pa sa mga probinsya ang nakahahawang sakit.

Naniniwala si Garbin na ang pag-test at pagbabakuna sa mga ito ay makatutulong na mapigilan ang  pagkalat pa ng virus. CONDE BATAC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *