PONDO PA SA INFRA PROJECTS PARA MAPALAKAS ANG EMPLOYMENT SA BANSA

Infrastructure Projects

ITINUTULAK ng isang kong resista ang pagpapalakas ng employment sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa House Bill 7591 o ang Employment Generation Through Infrastructure Investment Program (EGTIIP) na inihain ni Transportation Committee Chairman at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ire-require ang 10% automatic appropriation sa lahat ng pondong nakalaan para sa local infrastructure projects.

Ang dagdag na pondo sa mga infra project ay gagamitin naman para makapagbigay ng trabaho sa libo-libong mga Filipino na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Sinabi ni Sarmiento na sa halip na dole-outs ay mainam na trabaho na lamang ang ipag­kaloob ng pamahalaan sa mga mahihirap na Pilipino.

Paliwanag pa ng kongresista, ang pagbibigay ng trabaho ay mas sustainable na paraan ngayong may pandemya kumpara sa dole-outs o ayuda.

Malaki rin, aniya, ang maitutulong ng panukalang ito lalo na sa mga OFW na wala nang makitang oportunidad at napilitang umuwi na sa kanilang mga probinsya.  CONDE BATAC

Comments are closed.