PONDO PARA SA AYUDA UBOS NA-DSWD

ISINIWALAT  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paubos na ang pondo ng ahensiya para sa ayuda ngayong taon.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ang pondo para sa medical, burial at transportation ay mababa na sa isang bilyong piso.

Dagdag ni Tulfo, maging ang pondo ng mga lokal na pamahalaan ay kapos na rin sa distribusyon ng ayuda sa kanilang mga lugar.

Samantala, magtutungo si Tulfo sa Kongreso sa susunod na linggo para sa plenary deliberations tungkol sa budget proposal ng DSWD at upang depensahan ang 182 bilyong pisong pondo ng tanggapan sa 2023 National Budget. DWIZ882