NAPAPANAHON nang maglaan ng pondo para sa mga biktima ng Dengvaxia. Ayon kay Sen. Loren Legarda, Senate Committee on Finance chair, higit sa P1 bilyon ang planong ilaan para rito.
Ang pondo ay magsisilbing contingency fund ng mga pamilyang may miyembro na nabiktima ng Dengvaxia.
Bukod sa pondong ito na para sa medical needs ng mga 800,000 na naturukan ng Dengvaxia, huwag sanang kalimutan ang pananagutan ni Noynoy Aquino kasama ang mga miyembro ng kanyang Dengate Gang.
Tunay naman kasing tumitining at lumilinaw ang pananagutan ng gang ni Noynoy sa pagkakaineksyon sa may 837,000 mga batang Pilipino ng peligrosong Dengvaxia experimental vaccine.
Ayon sa imbestigasyon sa Senado: 1) alam na ng mga nagsabwatan na may ebidensiya na delikado ang Dengvaxia sa mga seronegatives o mga taong hindi pa nagkaka-dengue bago pa man pinilit na isyuhan ito ng Certificate of Product Registration ng Food and Drug Administration na kontrolado ni Garin, 2) ang Phase 3 trial ng Dengvaxia ay hindi pa tapos kung kaya’t malinaw na isinugal ang buhay ng ating mga kababayan para sa sariling kadahilanan ng gang ni Noynoy, 3) mahiwagang hindi lumalabas sa mga local analyses ang mga ebidensiya na nakasasama ito sa mga seronegatives at 4) ang World Health Organization ay hindi dapat inirekomenda ang Dengvaxia maging sa mga lugar na may high prevalence ng dengue.
Inamin na rin naman ng kompanyang manufacturer ng Dengvaxia, bagama’t huli na, na nakasasama ang Dengvaxia para sa mga seronegatives o mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Kaya sa pag-aming ito ang lahat ng nagkakasakit at namatay na mga seronegative ay kagagawan ng Dengvaxia, malinaw ‘yan hindi na kailangan pang palalimin pa ang imbestigasyon. Sa mismong salita na lamang ng manufacturer ay swak na sa korte ang mga ito at ang kanilang mga kinasabwat sa pamahalaan upang mapadali ang pagtuturok nito sa mga batang Pilipino.
Sinabi na rin ng ekspertong si Dr. Scott Halstead na napagsabihan na ang manufacturer ng Dengvaxia sa maaaring health disaster nito sa bansa ngunit itinuloy pa rin at nakamamangha ang dami ng mga pinagtuturukan.
Ngayon na sunod-sunod na mga bata ang nangamamatay ay ninenerbyos ang mahigit sa 800,000 na pamilyang Pilipino. Ang hinihintay ng taumbayan ay ang pagpapanagot sa batas ng mga dapat managot mula sa pamahalaan at Sanofi, at bukod sa ibalik ang pondo ng pamahalaan ay bayaran ang mga danyos at perwisyo na idinulot nito sa bawat apektadong pamilyang Pilipino na naulila at iba naman ay hindi mapagkatulog sa pag-aalala para sa kani-kanilang mga kaanak. Hindi mababayaran ang katiwasayan, lalo’t ibayong ligalig at kawalan ng kapayapaan ang dinala ng Dengvaxia sa higit walong daang-libong tahanan sa bansa.
Alam na ng taumbayan na ang manufacturer ng Dengvaxia ay ni hindi man lamang binigyan ng lisensiya ng European Medi-cines Agency (EMA) kung nasaan pa man din ang headquarters nito na binisita ni Noynoy noong Disyembre 2015, ilang araw bago minadaling bigyan ng Certification of Product Registration (CPR) ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasabing experi-mental vaccine.
Alam na rin ng taumbayan na ang ginamit para sa bentahan ng Dengvaxia ay isang fully foreign-owned company at ito ay ma-higpit na ipinagbabawal ng batas. Dahil alam ng mga nagsabwatan na maaari silang sumabit dahil sa inilabas na joint venture ngunit sabit pa rin dahil wala palang joint venture license so diskuwalipikado pa rin dapat.
Alam na rin ng taumbayan na kulang ang track-record ng nangongontratang kompanya sa gobyerno para sa Dengvaxia, at lumalabag sa RA 9184 kung saan ang bidder ay nararapat na may 50% na accomplished na kontrata sa pamahalaan sa halagang ibinibid, ngunit lumalabas na wala sa P1.5 bilyon pa ang kanilang nakokontrata sa gobyerno, at sa pagkakasabi nila sa Kongreso ay nasa P400 milyon lamang. So diskuwalipikado pa rin.
Ngayon, nagpa-bidding sila nang Enero 2016 para sa Dengvaxia na tanging ang kuwestiyonableng kompanya lamang ang may-roon ng nasabing produkto, dahil may pondo na ito, Dec. 29, 2015 ay may Special Allotment Release Order (SARO) na para sa halagang P3 bilyon para sa Dengvaxia at early January 2016 ay may delivery na ng vials ng Dengvaxia, at saka bago nag-biding-bidingan.
Pebrero naman ay inilunsad na ni dating DOH Sec. Garin na siya rin namang tumayong head ng FDA noong panahon na kailangang palusutin ang Dengvaxia, ang malawakang pagtuturok ng Dengvaxia sa mga musmos na ang target ay nasa isang milyong mga bata.
Comments are closed.