PONDO PARA SA DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE APRUB NA SA KAMARA

DDR

INAPRUBAHAN ng House Committee on Appropriations ang pondo sa ilalim ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Sa pagdinig ng komite para sa paglikha ng DDR para sa pagtugon sa mga sakuna sa bansa ay napagkasunduan na ibigay ang existing funds para sa disaster management sa bagong bubuuhing ahensiya.

Nakalatag na kasi ang pondo sa ilalim ng 2019 P3.757 trillion budget.

Mayroong P20.2 billion interim funds sa 2019 at P6.5 billion quick response fund na napagkasunduang ilagay sa pondo ng bubuuhing DDR.

Ang DDR ang tatayong ahensiya na pangunahing responsable sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.

Bubuwagin naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council  na  papalitan  ng Department of Disaster Resilience Council.

Ililipat din ang tungkulin ng Office of Civil Defense at Climate Change Commission sa itatatag na kagawaran.

Ipasasailalim din sa DDR ang Bureau of Fire Protection, Health Emergency Management Bureau habang magiging attached agency naman ng DDR ang PAG­ASA at PhilVolcs.        CONDE BATAC

Comments are closed.