PINAMAMADALI na ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy ang pagpapalabas ng pondo para sa micro-small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng COVID-19 pandemic sa ilalim ng Bayanihan 2 bago pa man ito mapaso.
Ayon kay Herrera-Dy, dapat siguruhin ng Department of Trade and Industry (DTI) na magagamit at hindi masasayang ang P10 bilyong alokasyon para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) para makaahon ang MSMEs sa gitna ng pandemya.
Batay sa DTI, sa P10 bilyong pondo para sa CARES, P8 bilyon na ang kanilang naibigay sa SB Corp para maipautang sa MSMEs at mga industriya sa turismo na may maliit na interest rate.
Nasa 100,000 maliliit na negosyo ang inaasahang makikinabang sa programa, kung saan 6,600 na pautang pa lang ang naaaprubahan o tinatayang nasa higit P1-bilyon pa lang.
Habang nasa 26,000 pa na mga aplikasyon sa pautang ang nakabimbin sa SB Corp. DWIZ 882
Comments are closed.