PONDO PARA SA RESEARCH SOLUSYON SA RICE SHORTAGE

pondo2

BILANG  tugon sa mga ulat na nakatakdang mawala ang suplay ng bigas sa merkado mula sa National Food Authority sa 2019, nanawagan si dating Senate President Juan Ponce Enrile na kailangan ng pamahalaan ng sapat na pondo para sa pananaliksik ukol sa produksiyon ng bigas at mais.

“Because we do not have unlimited available lands for rice and corn productions, we should allocate adequate public funds for research and development to increase the productivity of our available rice and corn lands,” ani Enrile.

Ayon sa beteranong mambabatas, dahil ang “basic food supply” ng mga Filipino ay nakabase sa bigas at mais, kailangan ng pamahalaan ng malawakang pangongolekta ng datos ukol sa produksiyon ng bigas at kanin sa bansa.

Unahin umano ang imbentaryo ng lahat ng pribadong lupain, irrigated at un-irrigated saka  ito bungkalin para taniman ng bigas at mais.

Giit din nito ang imbentar­yo ng lahat ng government lands na maaring taniman ng palay at mais.

Matapos nito, inaasahan na ang pamahalaan ang makapapasya sa sapat na halaga ng bigas at mais na aangkatin mula sa ibang bansa dahil hindi ito masasagot ng lokal na suplay.

“In this way, we assure the stability of domestic retail prices for these staple foods to protect our local consumers, and, at the same time, protect the interest of our local farmers,” binigyang diin ni Enrile.

Isinusulong  din  nito ang mga makabagong teknolohiya na maaaring pumigil sa banta ng kakulangan sa bigas at mais sa bansa. Aniya, “At the same time, we should also study and use the technology of producing agricultural products without the use of land, like what they are doing in Israel, as well as producing marine products in aquarium buildings, like what they are doing in Taiwan.”

Comments are closed.