HINILING ni Senior Citizens Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay na ilaan ang 3% hanggang 5% ng pambansang pondo sa mga senior citizen sa bansa.
Ayon kay Aquino-Magsaysay, malaking problema ng mga senior citizen ang maliit na pondong inilalaan para sa kanila dahil sa kawalan din ng komisyon na mangunguna para tugunan ang pangangailangan ng mga matatanda.
Giit ng kongresista, kung may 5% na alokasyon para sa gender and development ay marapat lamang din na bigyan ng ganitong porsiyento sa na-tional budget ang mga senior citizen.
Tinukoy pa ng kongresista na masipag bumoto ang mga senior citizen kaya naman dapat lang na suklian ito ng serbisyo at programa na kanilang mapakikinabangan.
Ihahain ng mambabatas ang panukalang ito sa pagbubukas muli ng sesyon sa Hulyo. CONDE BATAC
Comments are closed.