NANAWAGAN si Senate commitee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go sa concerned government agencies na gamitin ang pondo ng Bayanihan 2 nang maayos, graft-free at tiyaking matatanggap ng mga mahihirap at vulnerable sector ang kinakailangang tulong.
Ani Go, palagi niyang ipapaalala ang madalas na sabihin sa Executive agencies na dapat matiyak na magagamit ang pera ng bayan nang tama, makarating ang tulong sa mga nangangailangan at tiyaking walang pinipiling oras ang pagseserbisyo sa bayan.
Ayon kay Go, gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na transparent ang Executive at lahat ay accounted sa kung ano ang nagastos sa pera ng gobyerno.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, may nakalaang P165.5 billion na recovery fund kung saan P140 billion dito ay para sa regular appropriations habang P25.5 billion ang standby funds.
Kabilang sa mga pinaglaanan ng pondo ang improvement ng healthcare system, implementasyon ng cash-for-work program, assistance to industries na naapektuhan ng pandemya at ang pagbili ng COVID-19 vaccines.
Tiniyak naman ni Go na mayroong sapat na safeguards para masiguro na graft-free ang disbursement ng naturang pondo dahil hindi dapat aniyang hayaan na magamit sa korupsiyon ang pondong inilaan sa pagtugon sa pandemya.
Gayundin, muli tiniyak ni Go na tulad ng bilin sa kanya ni Pangulong Duterte, hindi siya magdadalawang-isip na umakto at magsalita bilang oposisyon sa oras na mayroon siyang natuklasang katiwalian sa mga nasa gobyerno. VICKY CERVALES
Comments are closed.