MAGLALAAN ng pondo sa 2021 national budget ang gobyerno para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, napag-aralan at napagkasunduan ng Kamara, Senado at Department of Finance (DOF) ang alokasyong ito.
Sinabi ng Speaker na kung magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus disease sa susunod na taon ay mahalagang mapaglaanan na ito ng budget, gayundin ang iba pang programa na may kaugnayan dito.
Sakali namang wala pa ring bakuna sa COVID-19 sa 2021 ay maaari naman aniyang gamitin ang alokasyon sa testing o pagbili ng medical supplies para hindi na hihirit sa Kongreso ng dagdag na appropriation kung kakapusin.
Bukod sa pondo para sa COVID-19 vaccine ay isasama rin sa pambansang pondo sa susunod na taon ang alokasyon para sa economic stimulus na makatutulong para sa pagbangon ng mga sektor na apektado ng pandemya.
Tinatayang aabot sa P4.3 trillion ang inisyal na 2021 national budget na nais ipursige ng Department of Budget and Management (DBM). CONDE BATAC
Comments are closed.