SINIGURO ng Commission on Higher Education (CHED) na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng free-higher education.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, may hakbang na ginagawa ang ahensiya para matugunan ang sumbong na nagkakaroon ng underspending at mababang bilang ng mga kumuha ng nasabing programa.
Nilinaw nito, ang P20.3 billion na budget ng Free Higher Education Law noong 2018 ay nagastos ng tama.
Tugon ito ng CHED sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na mayroong P20.3 billion ang unspent funds para sa Free College Education dahil sa delayed approval ng guidelines para sa batas.
Nakapaloob din sa ulat, ang hindi pagsusumite ng mga billing of statements ng mga state universities and colleges and local universities and colleges at ang delays sa release ng Tertiary Education Subsidy (TES) maging ang implementation ng Student Loan Program.
Comments are closed.